Life's Beautiful
lovequotesrus:

EVERYTHING LOVE
the-absolute-best-posts:

depthsinme:
Personal blog that you will love!
This post has been featured on a 1000notes.com blog.
Regrets.

“I like conversations where I don’t have to think about what to say, it just comes naturally”

Nung nabasa ko ‘to sa twitter, bigla kong naalala si *toot* itatago na lang natin siya sa pangalan na “superman”. Bigla ko siyang namiss, mga kulitan namin and stuffs. Yung feeling kasi pag kausap o katext o kachat mo siya hindi mo kailangan magworry kung magugustuhan niya ba response mo. Hindi mo kailangan mag-alala na baka mabobored siya sa mga sasabihin mo. Yung tipo na, enjoy lang. Komportable kang kausap siya. Wala kang iniintindi iba. Ang iniintindi mo lang ay yung replayan mo siya agad kasi hindi ka na makapaghintay na magsalita siya ulit. Ang sarap ng feeling na yun. Kaso, ngayon. Wala na. Sinira ko na ang magandang realasyon namin. Not that bf-gf kind of relationship. Nasira ko na friendship namin. Hindi ko alam kung ano nangyari sakin that day. That day, na inaway at tinaboy ko siya palayo. That day na sinimulan kong iwasan siya at magpakalayo-layo. Ang tanga-tanga ko kasi. Tanga tanga. Naalala ko pa nung nag-eeffort siyang ibalik kung anong meron kame. Pero, heto na naman ako tinataboy ko na naman siya palayo. Hay nako. Kung pwede lang talaga itama ang mga mali ko. Kung pwede lang, matagal ko ng ginawa. Pero, ganun na talaga eh. Siguro nga, hindi talaga tayo para sa isa’t isa. Siguro nga kailangan ko ng tanggapin na hindi na talaga pwede eh. Masaya ka na. Kaya ayoko ng manggulo pa. Kasalanan ko naman kasi in the first place eh. Kaya tanggap ko na. Sabi nga nila. Nasa huli ang pagsisisi. Thankful na rin ako kasi dahil sa experience na yun may natutunan ako. Everything happens for a reason nga talaga.

Yung feeling na nablog mo na tapos may typo error. YOU DONT DO THAT TO ME!

Mejo tinatamad talaga ako mag-blog. Hindi sa ayaw ko sa tumblr. I love tumblr! Gustong gusto ko nga dito eh. Daming relatable posts. Ang problema lang kasi, walang nangyayari sa buhay ko. Ordinary days lang. Ugh. Anh boring ng summer! Tapos pag school days naman hindi ako nakakablog kasiq ang daming ginagawa. Terror mga prof. :(((( So ayun, ngayon summer tatry ko na talaga magblog. Hihihi

JON LUCAS. <3

Si Jon Lucas. Siguro siya na yung pinakaperfect na kilala ko. Talented. Gwapo. May sense of humor. At higit sa lahat sobrang bait! Sa mga nababasa ko sa twitter lalo akong naiinlove. Siya lang siguro yung artista na iniyakan ko eh. Dahil sa selos? Hahaha. Nakakatawa man pero yun yung totoo eh. Kasi nakausap ng kaibigan ko si Jon Lucas. Kasi may mutual friends sila. :( tapos tinuweet pa siya. Mamatay na ako sa inggit. :(( Nako. Mas gusto ko na siya kaysa kay DJ. Hindi kasi siya snob. Tapos tapos tinulungan niya ang mga bata tumawid sa kalsada. Nako! Mas lalo na tlg ako naiinlove! Forever crush Ideal Boyfriend - Jon Lucas.

Dami pa sana ako ikwento tungkol sa pinakamamahal ko, kaso wag na. Haha baka mainlove ka rin. XP

Cebuuuuuu. <3

So, let’s talk about Cebu. Hahaha Cebu.Cebu.Cebu. Ahhh. Dunno why I love this place. Never been there. Sa Pictures ko lang nakikita ang napakagandang Cebu. Haaay. Haha Kung inaccept ko na lang ang scholarship at nagdecide na dun mag-aral edi sana, hindi ko na pinapantasya ang Cebu. Dunno why, pero dito sa PH, Cebu yung pinakagusto kong puntahan. Sabi ng mga cousins ko, hindi raw masyado maganda ang Cebu. Mainit daw. Pero WALA AKONG PAKEALAM. hahaha Feeling ko tuloy dun ko mamimeet ang prince charming ko. Haha XD Ewan. Basta I LOVE CEBU. XD

kimpoyfeliciano:

Ang sarap maging Single pero ang lungkot. HAHA :)) Alam mo yun! Ang hirap kasi iexplain eh. May mga bagay ka kasi na nagagawa na hindi mo nagagawa kapag in a relationship ka. Kunwari makakapunta ka kahit saan ng walang pumipigil sayo. Hindi mo kailangan magpaalam. Walang magagalit o magtatampo…

ETO YUN EH. XD